Pages

Jun 22, 2006

sundot - kulangot [Pick a booger]




[ng napadaan kami sa baguio nakita ko itong kakanin at naalala ko mga sinabi ni bob]


"Ngayon, kung yayain kita kumain ng kulangot siguradong mababatukan mo ‘ko. Pero kung darating ang witch na maglalagay ng “sundot” sa salitang “kulangot”, malamang tatanggapin mo na ang inaalok ko.
Boyfriend: darling, gusto mo’ng kulangot?
Girlfriend: eeeeeewwwwwww!!!!!!!!
Boyfriend: e darling, sundot kulangot?
Girlfriend: yum-yum!

Sundot kulangot. Pagkain yon. Isang jam na sinusundot sa loob ng maliit na kawayan. Alam ko meron noon sa Baguio, pero hindi ko lubos maisip na may pagkaing ganon ang pangalan. Pick a booger. Palagay ko nag-umpisa ito noong unang panahon nung ipinagbabawal pa ng mga datu ang paglilinis ng ilong. Hanggang sa ma-legalize ito noong panahon ng Commonwealth at tinanggal sa listahan ng mga heinous crimes. Sa ngayon, ang sundot – kulangot ang nagsisilbing katibayan ng karapatang minsan nating ipinaglaban alang-alang sa laman ng ilong na iniaman sa tiyan.


“Alamat ng Sundot-Kulangot”

Datu: masarap nga, pero ano naman ang itatawag natin d’yan?

Anak: Cadbury?
Datu: Nakakabulol.
Anak: Chips Ahoy?
Datu: Ang haba.
Anak: M&M?
Datu: Ang ikli.
Anak: Minatamis?
Datu: Walang dating.
Anak: Tae ng tuko?
Datu: Mabaho masyado.
Anak: Alam ko na – SUNDOT –KULANGOT!!!!
Datu: You’re da man, son!

The end."

Stainless langgonisa~Bob ong
*[This may sound absurd but if you've read his books, you’ll know what I mean.]

2 comments:

Cloviece said...

What are those little red spherical things on the mat? They're cute. ^^;;

And what are they being used for, btw?

mgaputonimimi said...

“Sundot kulangot” [in tagalong] literally means [in english], pick a booger. a Filipino food / desert but rare to find. I think it is named after it because you really have to pick the sweet stuff inside it.