Pages

Aug 5, 2009

sariwain


May you rest in peace... Paalam po...
Maraming salamat...

Hindi ko maalala kung saang kuha itong larawan pero sa tingin ko sa Manila ito (sa mga pahanong canceled ang mga flights)... Suot ng tiyahin ko ang damit na may larawan ng dating Pangulong Corazon C. Aquino. Bigay sa kanya ng isa ko pang tiyahin na pumunta sa Malacanang na nagdala ng pagkain para sa mga sundalo... at! kasama ang Mama ko (umakyat sa gate... sa panahong di makalabas ang mga tao sa Malacanang)... Habang ang Papa ko naman ay nasa probinsya ng Capiz- Roxas City nakikibaka mairaos ang snap election bilang chairman ng Namfrel sa barangay namin..

ehem... iba talaga ang impluwensya ng pamilya...

*first part palang po itong tribute ko, mejo naghukay ng baul mahanap ang mga pictures... sa ngayon, ang Tiyahin kong naka suot ng t-shirt ay nagsisilbi bilang konsehal sa barangay namin sa probinsya. sa tingin ko sinusundan nya ang yapak ng yumaong pangulo sa kanyang mumunting paraan... malinis at marangal...