Pages

May 17, 2009

sa wakas!


Sa tagal ng pag aantay ko kasama pa ang ibang mga taga hanga nya... sa WAKAS may kopya narin ako ng libro ni Mr. Bob Ong!

Kahapon ni pick-up ko ang order ko sa isang moderator ng "bobongpinoy yahoo groups" dahil mabibili ng mga taga "groups" ang libro sa murang halaga... 140php lang at 175php sa mga bookstore... hindi ako active sa yahoogroups, "lurker" lang ako doon pero ng makita kong pede mag order.... di na ako nagdalawang isip...

maikling kwento:
Noong nasa koleheyo pa ako may isang akong profesor na nag-suggest ng libro ni Mr. Bob na "ABNKKBSNPLAko?".... di ko noon pinansin ang sinabi nya pero na curious na ako, hangang sa na graduate na ako at sya naman ay "pinatalsik" daw... hmmm.... Kakaibang profesor talaga sya dahil may pagka "makibaka aura" ang kanyang dating pero gusto ko ang pamamaraan ng pagturo nya na parang "homeschooling style", parang read and write about your topic.. yun lang...

Pagkatapos ko ng koleheyo, may nagpahiram sa akin ng
"ABNKKBSNPLAko?" hangang sa nagmukha akong baliw sa kakatawa at naalala ang kabataan ko, at hangang sa nabili ko na lahat ang mga libro nya ng sunod sunod. Ang iba durog na dahil hinihiram ng isa, tapos diko na alam kung sino pa ang humiram... ang iba nawala tapos pinalitan ng bago...

Stainless Langonisa ang pinaka paborito ko, dahil nabasa ko ito ng sobra sa dalawang beses....
Hindi ako mahilig sa magbasa at late bloomer ako sa pagbabasa ng mga libro, pero kung may mga author na kagaya nya na hinihimok ang mga tao / istudyante magbasa, mag-aral, magsikap, mamulat sa kapaligiran, sa politika, sa corruption at kung anu anu pa... sinong aayaw sa pagbabasa? Kahit hindi istudyante, kahit lola, lola, lolo, nanay, tatay, auntie, uncle, elementary students kayang basahin ang nilalaman ng libro nya... madalas makakarelate dito ang mga bagets ng 80's... promise... mga kasabayan ng aunties ko... hehehe...

yun lang...

*pasensya na po di ako nakakaikot sa ibang blog... babalik ako promise!

MORE INFOS:
http://www.visprint.net/publications/bob/
http://visprintpub.blogspot.com/

3 comments:

escape said...

nakita ko nga to sa powerbooks sa MOA nung sabado. bagong libro na naman ni bob ong.

mgaputonimimi said...

opo! nong saturday ko rin nakita na meron doon. ^_^

hector_olympus said...

ayos!

may libre pang bookmark